My Blog List

Buhay Musikero

Posted on 9:25 PM by Grace Joy Roque | 0 comments

Mahal ko ang pagtugtog at pagkanta.. Member ako ng choir sa aming simbahan, pati na rin sa HAU Marching Band.

Ang HAU Marching Band. Dati pangarap lang yan pero natupad sa tulong na rin ng aming bandmaster. Ang buhay ko sa kolehiyo ay buhay ko rin bilang isang banda. Maraming masasayang mga araw, mga engagement na aking naranasan. At bilang isang musikero, siguro isa pang kailangan ang pagiging humble. Dahil hindi naman puro saya ang nararamdaman. Meron din kalungkutan. Sa bawat miyembro na umaalis at gumagraduate, hindi mo talaga maalis ang pagkalungkot at pagka miss sa kanila. Kung merong umaalis, meron namang dumaragdag. Sabi ng nila ang tanging permanente lang sa mundo ay pagbabago. Dahil ako rin darating ang araw na gagraduate ako at kailangang magpaalam sa banda. Para naman ito sa ibang mga pangarap ko sa buhay. Sa tagal ng panahon ko bilang isang musikero, ang dami kong natutunan. Kahit napakahirap ng naranasan, kahit pagod man, mangitim dahil sa init ng araw, na minsan wala talagang pagkain, dumating man ang time na kailangan mong umalis, ang masasabi ko lang "treat this as a humbling experience". Kahit gaano pa kahirap ang naranasan mo physically, emotionally at spiritually, maging humble lang siguro kasi mahal mo ang ginagawa mo.

Ang pagkanta siguro ang first love ko. Nag start ako sa choir nung grade 3 ako. 4 years din akong choir sa aming simbahan. Kaya lang dumating ang time na pinapili ako. Kung ang pagtugtog ba o ang pagkanta. Masakit man pero kinailangan kong iwan ang pagkanta. Kinailangan kong iwan ang aking mga kasama na tinuri ko ng mga kapatid.
Hanggang noong 2008, bigla ko lang na miss ang pagkanta at sumali ulit sa choir. Mahal ko talaga ang ginagawa ko kaya hanggang ngayon ay member pa rin ako. Pero walang permanente sa mundo. Baka dumating ang panahon na kailangan na namang umalis para sa ibang mga bagay. Ngunit hindi na siguro maaalis sa akin ang pagmamahal ko sa aming choir, kahit minsan nagmumukha na akong ewan. Pero bakit hindi nagrereklamo? Kasi mahal ko ang ginagawa ko at dito rin ako masaya.

Ganyan ang buhay ng isang musikero, mahirap man ngunit masaya kasi mahal mo ang ginagawa mo. Tiyaga lang, disiplina, humility, willing na matuto at higit sa lahat pagtanggap sa kamalian. Hindi imposible ang pangarap kong maging isang musician. :)

0 comments:

Post a Comment